Wednesday, July 27, 2016

Yves ‘basted’ sa tatay ni Loisa

Yves ‘basted’ sa tatay ni Loisa

Aminado si Yves Flores na mayroon siyang espesyal na nararamdaman para kay Loisa Andalio.

Magkatambal ang dalawa sa teleseryeng Be My Lady na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Kahit napupusuan ni Yves ang dalaga ay hindi pa naman daw niya ito maaaring ligawan sa ngayon. “Inamin ko na may feelings ako sa kanya. Pero bata pa si Loisa, ayaw muna ng dad niya na mag-boyfriend siya. So siyempre ako, rerespetuhin ko iyon. Kasi alam ng dad niya kung anong nakakabuti sa anak niya. Sino ba naman ako para hindi sundin ‘yon?” pagbabahagi ni Yves.

Nakahanda raw na maghintay ang aktor ng tamang panahon kung kailan niya maaari nang ligawan ang dalaga. “Makakapaghintay naman ako sa right time. Sa ngayon magkaibigan muna kami at pinagbubutihan namin ang career namin,” nakangiting pahayag ni Yves.

Hindi rin daw magiging hadlang upang ligawan ng binata ang pagkakaroon ng ibang katambal ni Loisa. Nakakatambal din ng aktres sa ibang proyekto sina Joshua Garcia at Jerome Ponce. Ayon kay Loisa ay ayaw pa raw talaga ng kanyang ama na magkaroon siya ng kasintahan sa ngayon. “Sa akin kasi hindi naman din po ako nagmamadali. Ayaw ko din po muna,” giit ni Loisa.

Apat na taon ang tanda ni Yves sa dalaga pero wala naman daw itong problema sa aktor.




From Pilipino Star Ngayon article

Tuesday, July 26, 2016

Talong

Talong

Movie Cast

Nini Jacinto
Leonardo Litton
Sofia Valdez
Divina del Rio